Makipag-ugnayan sa amin!

Suyurin ang daigdig at mag-aral ng Esperanto kasama namin!

expand_more

Sino kami?

Zamenhof Day

Ang Samahan ng Esperanto ng Unibersidad ng Pilipinas (UP Esperanto-Societo/UP Esperas) ay isang samahan ng mga mananalita, mag-aaral at mga tagapagtaguyod ng pangdaigdigang wikang pantulong na Esperanto. Ang himpilan nito ay nasa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman. Layon ng samahan ang ipalaganap ang paggamit ng Esperanto bilang wikang pantulong ng mga tao na gumagalaw para sa ugnayang pangkultura at sa pakikipagkaibigan nang hindi alintana ang mga harang na pangwika.

Aming Mga Layon

star

Ipalaganap ang Esperanto

Itinataguyod namin ang paggamit ng Esperanto bilang kagamitan para sa pamilyang pantao at sa mga mamamayan ng daigdig

transfer_within_a_station

Palakasin ang mga Mamamayan

Binibigyan namin ng lakas ang kabataang Pilipino sa pamamagitan ng pagbibigay-daan sa palitan ng mga pangdaigdigan at kultural na ideya at para magbigay halimbawa kung paano ito gawin ayon sa kanilang mga layon

public

Yakapin ang Multikulturalismo

Humaharap kami sa iba't ibang mga paksa at nag-aambag sa mga talakayan ukol sa patakarang wika, karapatang pangwika at pangtao, at pagiging bukas

Ano ang ginagawa namin?

Araling Pangwika at Pangkultura

Araling Pangwika at Pangkultura

Nagsasagawa kami ng mga aralin ukol sa wikang Esperanto at mga talakayang pangkultural para palawakin at payabugin ang pananaw ng lahat tungkol sa daigdig.

Podcast

Podcast

Minsanan kami'y nagsasahimpapawid ng mga podcast na tungkol sa kulturang Pilipino sa Esperanto. Nagsasahimpapawid rin kami ng mga podcast sa mga wika ng Pilipinas upang ipalaganap ang Esperanto sa bansa.

Aklatan

Aklatan

Kami ang tanging samahan sa unibersidad na may susi sa malawak na tipon ng panitikan at komunikasyong pangmadla tungkol at nakasulat sa Esperanto

Renkontiĝoj por Membroj

Renkontiĝoj por Membroj

Nakikipagkaibigan ang mga kasapi sa isa't isa, gumagawa ng iba pang mga libangan kung kami ay hindi nagtatrabaho para sa samahan, at unti-unting ginagamit ang wika sa mga usapan.

International Linkages

International Linkages

Nakikipag-ugnayan kami sa mga iba't ibang tao sa buong daigdig gamit ang wika

Nagdaang Ganap

Balita