Tanggol Wika at Bayan!
Inilimbag noong ika-27 ng January 2019 12:00 amNakikiisa ang UP Esperanto-Societo sa laban upang ipagtanggol ang wika at panitikan sa kolehiyo.
Isa sa mga saligang prinsipyo ng pandaigdigang kilusan ng Esperanto ang pagtataguyod ng karapatang pangwika ng mamamayan mula sa iba't ibang bahagi ng daigdig. Kaakibat dito ang pagtutol sa alinmang paraan ng pagpapabaya o represyo sa paggamit at pagpapayaman ng kaalaman ng mga mamamayan sa kanyang wika.
Nananawagan ang UP Esperas sa lahat na makiisa at palakasin pa ang panawagan upang tiyaking mananatili ang pag-aaral ng wika at panitikan sa lahat ng antas ng edukasyon.